Mga lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban, umabot na sa 2,343

Umakyat na sa 2,343 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Election (COMELEC) gun ban.

Ang mga ito ay nahuli sa 2,237 checkpoint operations na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) mula January 9 hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,257 habang 40 ang security personnel, 14 ang miymebro ng PNP, 10 ang tauhan ng AFP, at 22 ang iba pa.


Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang NCR na nasa 863; kasunod ang Region 4A na nasa 253;
Region 7 na nasa 244; Region 3 na nasa 235; at Region 6 na nasa 138.

Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 1,804 firearms na karamihan ay small arms; 844 deadly weapon kabilang ang 93 pampasabog; at mahigit 10-libong mga bala.

Facebook Comments