Senator Leila de Lima, magdamag na sa Manila Doctor’s Hospital para sa medical check up

130

Buong magdamag na nasa Manila Doctors Hospital sa lungsod ng maynila si Senator Leila de Lima at sumailalim sa medical check-up.

Si De Lima ay inihatid sa ospital kahapon ng umaga at ibabalik ng pulisya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame mamayang hapon o gabi.

Si De Lima ay pansamantalang nakalabas sa PNP Custodial Center makaraang katigan ni Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256, ang hiling nito na medical furlough bilang health at humanitarian reasons.


Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor na regular na magpa-checkup para matiyak na maayos ang kondisyon ng kalusugan nito at walang seryosong karamdaman matapos makitaan ng liver mass noong 2018.

Facebook Comments