Mga lumad, tuloy ang protesta sa DepEd

Manila, Philippines – Tuloy ang pagprotesta ng grupo ng mga Lumad sa punong tanggapan ng Department of Education sa Pasig City.

Simula nuong Biyernes ng hapon nang maglunsad ng protesta ang nasa 300 katutubong Lumad na kinabibilangan ng mga estudyante, guro at mga Datu sa DepEd.

Ayon sa grupo hindi nila lilisanin ang DepEd hanggat hindi nila nakakaharap at nakakausap si Sec. Leonor Briones.


Nais ng mga ito na payagang iparehistro o bigyang permit ang mga paaralang Lumad sa Mindanao.

Sa datos ng Save our Schools (SOS) network sa tinatayang 200 lumad schools sa Mindanao, 89 dito ang isinara at hindi na makapag operate dahil sa umanoy military harassment.

Una naring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat bombahin ang mga lumad schools dahil ginagamit lamang ito ng mga terorista sa paghahasik ng kanilang maling ideolohiya

Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ng grupo ngayon kasabay ng Universal children’s day ang palarong pambata, kilos protesta at cultural night na isasagawa mamayang alas dyes ng gabi.

Facebook Comments