Mga lumahok sa 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, pinasalamat ng OCD

Nagpaabot ng pasasalamat ang Office of Civil Defense (OCD) sa lahat ng mga lumahok sa 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Ayon kay OCD Deputy Adminstrator Asec. Casiano Monilla, natutuwa sila dahil habang tumatagal ang pagdaraos ng earrhquake drill ay mas marami ang mga lumalahok.

Ito ay kahit pa nasa gitna tayo ng pandemya ay nagagawan pa rin ng paraan sa pamamagitan ng makabagong paraan tulad ng paggamit ng social media.


Giit ng opisyal, importante ang maging handa laban sa anumang sakuna katulad ng lindol.

Hindi kasi biro ang lawak at epekto ng malakas na lindol at hindi rin alam kung kalian ito tatama.

Mahalaga aniya na ang duck, cover and hold ay otomatikong gawin para mapaghusay pa ang ating muscle memory.

Samantala, pagkatapos ng duck, cover and hold kanina, ipinaliwanag naman ang maaayos at kalmado na pagkilos patungo sa mga evacuation area.

Sinabi rin ni Monilla na mahalaga ang GO bags o emergency bags sa panahon ng sakuna.

Facebook Comments