Mga lumang palaspas ,maaari nang sunugin sa bahay – CBCP

Pinayagan na ng Simbahang Katolika ang mga pamilya na sunugin ang kanilang mga palaspas na hindi madadala sa mga simbahan sa Pebrero 17.

Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, isa itong opsiyon sa mga hindi makapagdadala ng kanilang mga palaspas sa simbahan para sunugin para magamit ang abo sa Ash Wednesday.

Gayunman, hindi basta-basta sinusunog ang mga palaspas dahil may ritwal na dapat sundin para rito na kanilang ibabahagi sa kanilang website.


Nagpaaala naman ang CBCP sa publiko na mahigpit pa rin nilang ipapatupad ang
health protocols tulad ng social distancing at age requirement sa selebrasyon ng Ash Wednesday dahil na rin sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Facebook Comments