MGA LUMANG PAMPASABOG SA ALAMINOS CITY, NATAGPUAN

67

Nasa kustodiya na ng Pangasinan 1st District Explosive Canine Unit ang anim na mga lumang pampasabog na natagpuan ng isang magsasaka sa Brgy Quibuar, Alaminos City, Pangasinan.

Ayon sa Alaminos Police, naglilinis ng kanyang bakuran si Ronald Valdez nang aksidente nitong mapansin at matagpuan ang anim na 60mm Mortar, nang makita nito ay hindi agad ginalaw ni Valdez ang mga pampasabog dahil sa pag-aakala nito ay baka raw sumabog pa ito.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa pulisya kung saan agad din nilang nirespondehan at upang alisin sa pagkakahuhay ang mga nasabing pampasabog. | ifmnews


Facebook Comments