Myembro ng Abu Sayyaf, huli matapos makuhaan ng IED sa Zamboanga City

157

Naaresto nang pinagsanib na pwersa ng Zamboanga Police at Criminal Investigation and Detection Group ang isang myembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa operasyon sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nag-isyu sila ng search warrant sa bahay ni Tony Asmun kagabi dahil sa ulat na pagtatago nito ng pampasabog.

Sa paghahalughog, natagpuan ang isang Improvised Explosive Devise o IED sa loob ng sako ng uling.


Paliwanag ng suspek, galing ang IED sa kasamahan na myembro rin ng ASG.

Sa ngayon tinutugis na ng CIDG sa follow-up operation ang hindi pinangalanang bandido.

Isinailalim na sa booking procedure ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of explosives.



Facebook Comments