Pumalo na sa kabuuang 292 ang bilang ng mga lungsod at munisipalidad na isinailalim sa state of calamity matapos hagupitin ng Bagyong Paeng
Kabilang sa mga ito ay mula sa Region 2, 5, 6, 9, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Habang kabuuang 100,939 pamilya ang nasa preemptive evacuation pa rin hanggang ngayon o katumbas ng 356,038 na indibidwal.
Nasa 298 na lungsod at munisipalidad naman ang nakararanas ng problema sa suplay ng kuryente, 18 sa suplay ng tubig at 47 ang may problema sa linya ng komunikasyon.
Una nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagsasailalim sa state of calamity ng 4 na rehiyon sa bansa kabilang ang Regions 4-A, 5, 6 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pinuruhan ng nagdaang Bagyong Paeng.