Mga madalas na pagyanig sa Mt. Pinatubo, hindi raw dapat ikabahala ng publiko ayon PHIVOLCS

Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nanatiling nasa alert level zero ang estado ng Bulkang Pinatubo sa kabila ng pagpaparamdam nito ng mga mahihinang pagyanig sa mga nakalipas na araw.

Gayunman, kailangan pa ring maging alerto ang publiko sa anumang mga pagyanig at volcanic hazards mula sa bulkan.

Paliwanag ng PHILVOLCS, mula January 20 hanggang 27, kabuuang 826 na halos hindi naman naramdamang mga pagyanig ang naitala sa bulkan partikular sa bisinidad ng Mabalacat, Pampanga sa East Northeast ng Bulkang Pinatubo.


Pinakamalakas na ang magnitude 2.5 na naitala noong January 25.

Base sa monitoring ng PHIVOLCS, hanggang nitong nagdaang araw may mga naitatala pang paggalaw ng lupa ng hanggang magnitude 2.3 pababa.

Facebook Comments