*Cauayan City, Isabela* – Ipinamalas ng may mahigit sa dalawang daan na mag aaral mula gradeschool sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ang kanilang mga talento sa taunang pagdiriwang ng United Nations Day na inorganisa ng SM City Cauayan bilang bahagi ng pagdedeklara ng isang binuong magandang ugnayan ng iba’t ibang bansa na tuwing sasapit ang Oktubre 24 na layong panatilihin ang kapayapaan ng bawat bansa.
Ayon kay Ms.Krystal Gayle Agbulig, Public Relations Manager, ito ay upang maipakita ang magandang ugnayan ng mga bansa pagdating sa kapayapaan kaya’t ito ay kanilang taunang ipinagdiriwang sa lahat ng SM Malls at sa pagkakataong ito ay ipinakita ang iba’t ibang talento, makulay na watawat ng bawat bansa at ang simbolo ng bawat bansa sa pamamagitan ng kanilang kultura at ipinagmamalaking pagkakakilanlan ng mga ito sa pamamagitan ng kani-kanilang national costumes.
Ilan naman sa mga paaralan na nakilahok ay ang Metropolitan Bible Baptist Montessori School, University of Perpetual Help System at Messiah Christian School sa nasabing lungsod.