Cauayan City, Isabela – Nakatanggap ng dalawampu’t limang Tablet ang CCNHS Cabaruan Extension mula sa programang Global Utility para sa mga eskwelahan na ibinahagi ng kumpanya ng Globe.
Batay sa ipinahayag ni Dr. Renato Barientos, ang pinuno ng nasabing paaralan, na mapalad ang CCNHS Cabaruan Extension dahil napili ito ng Gobe Company na mabigyan ng mga Tablet.
Layunin umano nito na mabigyan ng kaalaman at maturuan ang mga kabataang mag-aaral sa makabago at modernong teknolohiya.
Ayon kay Dr. Barrientos, hindi umano hadlang ang mga gadgets para sa mga kabataan kung gagamitin nila ito sa tama at wastong paraan dahil malaking tulong umano ito sa kanilang pag-aaral.
Aniya, magkakaroon umano ng ordinansa ang kanyang paaralan kung saan lilimitahan umano ang paggamit ng mga bata sa kanilang mga cellphones upang hindi maabuso at masira ang kanilang paningin.