Nakatanggap ang nasa siyamnapu’t anim (96) na college students ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART).
Ang mga karapat-dapat na mag-aaral sa kolehiyo ay nakatanggap ng 25, 000 pesos na halaga ng cash assistance.
Ayon sa datos, karamihan sa mga napamahagian ay mga anak ng magsasaka, mangingisda, at ang iba ay working students naman. Ang mga mag-aaral ay sinuri at siniguradong ang mga ito ay may markang hindi bababa sa 96.
Samantala, ayon kay Congressman Christopher De Venecia, ang naturang cash assistance ay makatutulong sa pagpapagaan sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.
Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng opisina ng ika-apat na distrito at ng Commission on Higher Education. | ifmnews
Facebook Comments