KABUHAYANG SAMPAGUITA PLANTATION SA MANAOAG, MAS PALALAGUIN

Mas palalaguin pa ang kabuhayan ng mga Sampaguita Growers sa bayan ng Manaoag sa tulong na hatid ng tanggapan ng ikaapat na namumunong kongresista sa 4th District ng Pangasinan sa pakikipag-ugnayan nito sa DOST.
Alinsunod dito ang pamamahagi ng ng 250 litro ng Plant Growth Promoter (PGP) Carrageenan partikular sa Manaoag Sampaguita Growers Association.
Layon nitong mas pagbutihin ang kalidad ng produksyon ng nasabing plantasyon.

Samantala, hindi lamang sa sampaguita nakatuon ang nasabing pamamahagi dahil makatutulong din ito sa pag-aangat ng kabuuang sektor ng agrikultura ng bayan at ng ikaapat na distrito ng lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments