
Pinayuhan ni Sen. Bong Go ang mga estudyante ng UP visayas na nagbiro ng kill the president sa kanilang cheer routine performance na mag aral na lamang ng mabuti.
Sa kanyang pahayag sa media sinabi ni Go na mura pa ang kaisipan ng mga kabataang ito para magpatutsada sa mga isyu patungkol sa South China Sea at sa media repression.
Aniya,nagpapakahirap ang kanilang mga magulang kung kayat dapat lamang na suklian Ito ng kabutihang asal.
Aniya, sa halip na makisawsaw sa isyung pampulitika, ituon na lamang ng mga ito ang panahon sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral.
Si Sen. Go ay binisita kanina sa mga pamilyang nasunugan sa Navotas at nagbigay ng tulong kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan.
Facebook Comments