Mga mag-aaral sa bansa na lumipat sa pampublikong paaralaan mula private schools, SUCs at LUCs, umabot na sa mahigit 428,000

Umabot na ng 428,960 ang kabuuang bilang ngayong ng mga mag-aaral sa bansa ang lumipat na sa pampublikong paaralan mula sa private schools, States Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).

Ito ay batay sa tala ng Department of Education (DepEd) as of September 15, 2020.

Mula sa nasabing bilang, 262,498 nito ay sa elementary, 114,132 ay Junior High School; 45,236 ay Senior High School; at 7,094 naman ay sa Learners with Disabilities.


Batay sa datos ng DepEd, Region IV-A ang may pinakamaraming mag-aaral mula sa private schools, SUCs, at LUCs ang lumipat sa public schools kung saan umabot na ito ngayon ng 119,572.

Sinundan naman ito ng National Capital Region (NCR) na merong 86,577 at pangatlo ang Region III na meron naman 62,413 na mag-aaral ang lumipat ng public schools.

Ang lugar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang may pinaka-kaunting bilang ng transferees sa pampublikong paaralan sa lahat ng rehiyon sa bansa kung saan umabot lang ito ng 338.

Facebook Comments