Balik-eskwela na ang mga estudyante simula ngayong araw sa Itbayat matapos tumama ang dalawang malalakas na lindol sa Batanes.
Sa impormasyong nakalap ng 98.5 Ifm Cauayan, pansamantala munang magka-klase sa plaza ang mga mag-aaral ng Itbayat National Agricultural School, Itbayat Central School at Mayan Elementary School.
Ayon kay Escortiso, tatlo sa limang paaralan sa Itbayat ang matinding napinsala sa lindol at hindi na ligtas gamitin.
Kaugnay nito, tumulong naman sa pagbibigay ng tents ang Department of Social Welfare and Development para sa karagdagang classroom na pansamantalang gagamitin ng mga estudyante.
Samantala, ligtas naman aniyang gamitin ang Yawran Barrio School at Raele Integrated School dahil hindi naman umano gaanong naapektuhan ng lindol na maaaring paghiraman ng mga gamit kakailanganin ng mga mag-aaral.