Mga mag-aaral sa kolehiyo, kailangang tuloy pa rin ang pagbibigay suporta ng pamahalaan- Sen. Pia Cayetano

Naniniwala si Senator Pia Cayetano na kailangan ng patuloy na suporta o financial assistance para sa mga estudyante na mag-aaral sa kolehiyo.

Batid ni Cayetano na may merito ang posisyon nina Finance Secretary Benjamin Diokno at ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera na gamitin ng maayos ang limitadong pondo ng pamahalaan at ibigay sa mga “deserving” na mga estudyante ang Free Tertiary Education Program.

Iminungkahi ni Cayetano na tukuyin ng gobyerno ang mga priority courses na makapagdudulot ng economic at social growth tulad ng mga kursong tutugon sa kakulangan ng healthcare professionals at education courses na makakapag-produce ng de kalidad na mga guro sa Pilipinas.


Maliban sa scholarships at financial assistance, umapela rin ang senadora sa pamahalaan na paglaanan ng pondo ang pagpapalawak at upgrade ng mga pasilidad ng mga state universities and colleges at pagtitiyak sa development ng mga faculty members.

Tiwala ang mambabatas na ito na ang pinaka cost-efficient, makatwiran at sustainable na modelo para sa state tertiary education program ng bansa.

Facebook Comments