PNP, hindi kikilalanin ang negatibong drug test result ng dating hepe ng Mandaluyong Police

Maninindigan ang Philippine National Police (PNP) sa accuracy ng mga drug test na kanilang isinasagawa.

Ayon kay PNP Forensic Group Director Police BGen Constancio Chinayog tanging urine sample na ginamit sa drug test ng PNP lamang ang kanilang kinikilala.

Aniya, kahit mag negatibo si dating Mandaluyong Police Chief PCol. Cesar Gerente sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI), ay hindi nila ito tatanggapin.


Giit nito posible kasing ibang urine sample ang ginamit dito.

Gayunman, welcome naman sa kanila ang pag-challenge ni Gerente sa confirmatory drug test ng PNP.

Pwede naman kasing depensahan ni Gerente ang kanyang sarili sa imbestigasyon na isinasagawa ng Internal Affairs Service para patunayan na hindi sya gumagamit ng iligal na droga.

Facebook Comments