Mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, hindi na obligadong magsuot ng school uniform sa darating na pasukan sa August 22 ayon sa DepEd

Hindi na obligadong magsuot ng school uniform ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ngayong pasukan.

Ito ang ipinag-utos ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio kasunod ng pagbubukas ng school year 2022-2023 sa August 22.

Ayon kay Duterte, malaking tulong ito sa mga magulang na makaiwas sa karagdagang gastusin sa kabila ng patuloy na pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.


Makakahikayat din aniya ito ng mga estudyante na lalong magsipag sa pag-aaral na hindi iniisip ang mga gastos tulad ng pagbili ng mga school uniform.

Kasunod nito, sinabi ng bise-presidente na nagpapatuloy ang kanilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa August 22.

Ito ay sa kabila pa rin ng ilang panawagan na iurong ang pasukan upang makapagpahinga pa ang mga guro.

Tiniyak din Duterte na ligtas ang mga mag-aaral, guro at iba pang mga staff ng paaralan sa kabila naman ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments