PhilPost, planong magsagawa ng malawakang pamamahagi ng national ID sa mga barangay hall at plaza tuwing weekend

Magsasagawa ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) ng malawakang pamamahagi ng national ID sa mga barangay hall, plaza at basketball court.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PhilPost Postmaster General and CEO Norman Fulgencio na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga barangay captain para isagawa ng nasabing aktibidad tuwing weekend.

Layunin aniya nito na maipamahagi na ang mga na-imprentang national ID at makuha na ng mga may-ari sa kanilang barangay o lugar.


Paliwanag pa ni Fulgencio, maraming pagkakataon o halos tatlong beses pa sila na pabalik-balik para lamang maihatid ang national ID sa may-ari, pero hindi sila nagkakatagpo.

Facebook Comments