Nakibahagi ang mga mag-aaral sa Urbiztondo sa kampanya laban sa banta ng sunog sa pamamagitan ng isang Fire Safety Lecture na isinagawa sa Malayo-Buenlag Elementary School.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Urbiztondo ang nasabing aktibidad sa ilalim ng superbisyon ng acting municipal fire marshal ng bayan.
Layunin ng lecture na maituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng kaligtasan laban sa sunog, kabilang ang mga tamang hakbang sa pag-iwas at wastong pagresponde sa oras ng emerhensiya.
Ayon sa BFP, mahalaga ang ganitong kaalaman upang maprotektahan ang mga estudyante sa paaralan at maibahagi rin nila ang impormasyon sa kanilang pamilya at komunidad na maaaring makatulong sa pag-iwas sa insidente ng sunog.
Bahagi ang programa ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan at ng Bureau of Fire Protection sa pagpapalaganap ng kaalaman sa kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








