Ngayon pa lamang ay umaapela na ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga lalahok sa kilos protesta sa nalalapit na SONA ng Pangulong Duterte na gawing payapa ang kanilang pagtitipon.
Sa harap ito ng kanilang inaasahang matinding trapiko na maaring idulot ng mga aktibidad ng pro at anti-Duterte sa lugar na pagdarausan ng SONA.
Panawagan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa mga raliyista, kumuha ng permit to rally mula sa kanilang local government unit at makipag-ugnayan sa local police.
Sinabi naman ni Albayalde na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin silang namo-monitor na banta sa seguridad para sa gagawing SONA.
Siniguro niya rin na nakahanda ang kanilang hanay at naka alerto para rumesponde sa anumang krimen.
Ayon kay Albayalde, 14,000 mga pulis at 1,000 force multiplier ang ipakakalat sa buong Metro Manila para sa SONA.