Philippine Men’s Volleyball team nasungkit ang bronze medal sa 2019 Thailand Open Sealect Championship

251
Image via Facebook/SMM Volleyball

Nagwagi ng bronze medal ang Rebisco-Philippines men’s volleyball team sa ginanap na 2019 Thailand Open Sealect Tuna Championships nitong Martes.

Tinalo ng Pinas ang koponang Thai-Denmark Saraburi sa five-set match, 22-25, 27-29, 25-18, 25-18, 26-24.

Makapagil-hininga ang laban lalo na pagsapit ng 5th set dahil naging tabla pa ang kanilang iskor. Sa huli, hindi nagpadaig ang RP Men’s Volleyball National Team at tuluyang naiuwi ang inaasam na tagumpay.

Pinangunahan nina Marck Espejo, Bryan Bagunas, at Kim Malabunga ang depensa at opensa ng RP Men’s Volleyball National Team.

Samantala, umuulan ng pagbati at pasasalamat mula sa mga kapwa manlalaro at fans ng volleyball ang matamis nitong panalo.

Y

Facebook Comments