Mga magsasaka at rice industry stakeholders, tanggap ang Rice Tariffication Law

Handa ang rice industry stakeholders na suportahan ang Rice Tariffication Law.

Ito ang ipinahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol kasunod ng ginawa niyang konsultasyon sa mga magsasaka sa buong bansa upang ipinaliwanag ang draft ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng batas.

Sinabi ng kalihim na ang hiling lamang ng mga magsasaka ay huwag silang pabayaan.


Ayon kay Piñol, nawala ang agam-agam na posibleng mamatay ang lokal na produksyon ng palay sa pagbaha ng imported rice.

Nabuhayan ng loob ang mga magsasaka nang ipaliwanag sa kanila ang mga safety nets ng RTL at ang support services na direkta nilang pakikinabangan.

Ang resulta ng konsultasyon ay susuriin at titipunin ng Policy and Planning Department ng Department of Agriculture (DA) upang ipasakamay sa National Economic and Development Authority (NEDA) na siya namang bumabalangkas ng IRR.

Facebook Comments