Mgkakaloob ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga maliliit na magsasaka sa bansa.
Sa ilalim ng Republic Act 11598, nakasaad na binibigyang otorisasyon ng gobyerno ang Department of Agriculture (DA) na gamitin at ipamahagi ang sobrang pera mula sa P10 billion annual tariff revenues sa mga magsasakang nagtatanim sa hanggang dalawang ektaryang lupain hanggang 2024.
Inaatasan din ang Bureau of Customs (BOC) na i-remit ang excess funds ng tariff revenues sa DA na siya namang mamumudmod ng pera sa mga magsasaka.
Nakasaad din sa batas na dapat magsumite ang kapwa DA at BOC ng report sa Senate Committee on Agriculture, Food & Agrarian Reform at sa House Committee on Agriculture & Food hinggil sa actual fund disbursement bago matapos ang taon.
Layon ng batas na tulungan ang mga maliliit na magsasaka na matinding naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad at ng COVID-19 pandemic.