Kaso ng COVID-19 sa PNP, halos triple ang itinaas

34

Tumaas ng tatlong beses ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Mula sa 100 na bagong kaso kahapon, nadagdagan ng 295 ang COVID-19 cases sa PNP ngayong araw.

Sumampa naman sa 552 ang kanilang aktibong kaso ng COVID-19.


Kabuuang 42,645 na ang kaso ng COVID-19 sa PNP kung saan 41,968 ang nakarekober na habang nananatili naman ang bilang ng nasawi sa 125.

Dahil dito, pinangangambahan naman ng PNP na naapektuhan na ng Omicron variant ang kanilang hanay matapos na mag-triple ang bagong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments