Mga Magsasaka, Dapat din Ituring na Bayani- DAR Sec. Castriciones

Cauayan City, Isabela- Dapat rin na ituring bilang mga bagong bayani ang mga magsasaka na dahilan ng patuloy ng pagkakaroon ng pagkain ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya.

ito ang binigyan diin ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Atty. John Castriciones sa kanyang pagdalaw sa Lalawigan ng Isabela kahapon.

Ayon sa kanya, malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga magsasaka upang magkaroon ng patuloy na pagkain ang sambayanang Pilipino lalo ngayong may COVID-19 pandemic kaya’t marapat lamang aniya na bigyan din sila ng sapat na atensyon upang matulungan ang mga ito na maingat ang kanilang kabuhayan sa tulong ng pamahalaan.


Pinangunahan mismo ni Sec. Castriciones kasama ang ilan pang matataas na pinuno mula sa kanyang kagawaran ang pagpapasinaya sa bagong tulay sa Brgy. Andabuen, Benito Soliven, Isabela na nagkakahalaga ng P50 milyon mula sa proyektong ‘TULAY NG PANGULO’ para sa Kaunlaran pang Agraryo (PTKP).

Bukod sa pagpapasinaya sa tulay, namahagi rin ang ahensya ng mga CLOA para sa mga kwalipikadong magsasaka upang maging ganap nang maging pag-aari ng mga ito ang kanilang mga binubungkal na lupain at nagkaloob din ng mga fertizer, farm equipment para sa mga piling kooperatiba sa lalawigan.

Pormal na rin na ipinasakay sa mga barangay officials ang paunang 17 na mga mini dumptrucks mula naman sa provincial government ng Isabela.

Samantala, sinorpresa naman ni DOLE Sec. Silvestre Bello ang ilang mga dating OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng Financial Assistance sa halagang Php30,000.00 bawat isa bilang tulong pangkabuhayan na hatid naman ng DOLE.

Facebook Comments