Mga magsasaka, matatanggap na ang mga tulong sa ilalim ng Rice Competitiveness Fund

Inilatag na ng Department of Agriculture (DA) ang mga tulong na ibibigay sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Fund ng Rice Tarrification Law.

Sa pulong balitaan, inanunsyo ng DA, na aabot sa ₱10 Billion na tulong para sa mga magsasaka ang popondohan ng administrasyong Duterte sa loob ng anim na taon.

Hahatiin ito sa 4 na component: Ang Rice farm machinery, rice seed development, expanded rice assistance at rice extension service.


Sa ngayon, nasa 600 mga kwalipikadong magsasaka at kooperatiba na sa buong bansa ang nakatanggap ng mga farm equipment sa ilalim ng RCEF pero target nila na paabutin ito sa 1,600 sa pagtatapos ng taon.

Sinabi naman ng DA, na nakapaloob din sa IRR ng batas na magsasagwa sila ng tranining program katuwang ang TESDA tungkol sa pagpapalago ng pananim at modernong paraan ng Pagtatanim kung saan mahigit 60,000 magsasaka naman ang benepisyaryo.

Tutulong din ang DA sa pagpapautang ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming lending facilities.

Para makatanggap ng benepisyo, dapat kasama ang mga magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ng DA at miyembro ng accredited Farmer Organization.

Susuriin ding maigi ng DA ang mga aplikante.

Facebook Comments