Mga magsasaka na nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa DA, nasa higit 61,000 na!

Umabot na sa 61,564 na mga lokal na magsasaka sa 26 na lalawigan ang nakatanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa ahensiya, nasa ₱308 milyon na ang halaga ng tulong pinansiyal na naipamahagi sa mga ito sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines.

Kabilang sa mga saklaw ng Expanded Survival and Recovery Assistance Program ay ang mga mayroong sinasakang lupa na hindi hihigit ang laki sa isang ektarya.


Facebook Comments