Ikinababahala na ng mga magsasaka sa Casiguran, Sorsogon ang epekto ng pagputok ng Mt. Bulusan sa naturang probinsya.
Ito ay matapos malanta na lang bigla ang kanilang mga pananim bunsod ng patuloy na pagbagsak ng abo mula sa bulkan.
Ayon sa Casiguran Municipal Agricultural Office, tinatayang na sa halos 2 milyong halaga ng pananim ang nasira dahil sa epekto ng ashfall.
Dahil dito, nagsimula nang mamahagi ng tulong ang Department of Agriculture (DA) sa Bicol Region para sa mga naapektuhang magsasaka.
Tinatayang nasa halos kalahating milyong piso na halaga ng assistance ang naipamahagi ng DA sa 186 apektadong magsasaka mula sa mga bayan ng Juban, Bulusan, Irosin at Casiguran.
Facebook Comments