Mas maraming volcanic eruptions sa Mt. Bulusan, ibinabala ng PHIVOLCS

45

Nagbabala ang Philippine Insitute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mas maraming volcanic eruptions mula sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Kasunod na rin ito ng pagputok ng naturang bulkang noong Linggo kung saan 32 barangay mula sa bayan ng Juban, Casiguran at Magallanes ang naapektuhan ng ashfall.

Ayon kay PHIVOLCS Executive Director Dr. Renato solidum Jr., mas maigi nang patuloy na umuusok ang bunganga ng Mt. Bulusan kaysa nag-iipon ito ng pressure sa loob.


Kaugnay nito, kailangan pa rin ng ibayong ingat at siguraduhing walang residente ang papasok sa permanent danger zone ng bulkan.

Facebook Comments