Mga magsasaka sa Bohol, tinulungan ng tanggapan ni Sen. Bong Go

Namahagi ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go, kasama ang Department of Agriculture (DA), ng tulong sa 5,720 na mga magsasaka sa Carmen, Bohol, kinilala ni Go ang mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa bansa upang makaahon mula sa pandemya.

Nagbigay ang team ni Go ng meals at masks sa mga magsasaka sa Barangay Poblacion Norte Covered Court habang sinusunod ang health at safety protocols.

“Alam ko pong mahirap po ang panahon ngayon, nasa gitna tayo ng krisis dulot ng COVID-19. Kailangan pong magtulungan tayo, magbayanihan po tayo, at magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino,” sabi ni Go sa kanyang video message.


Bilang pinuno ng Senate Committee on Health, hinimok ni Go ang mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang pagtalima sa mga itinakdang protocol upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, hinikayat din niya ang mga kwalipikado na magpabakuna na at magpa-booster shot sa lalong madaling panahon upang matiyak na protektado sila laban sa virus.

“Nasa datos naman po, ‘pag kayo po’y bakunado mas protektado po kayo sa grabeng pagkasakit ng COVID-19 at maiwasan po ang pagkamatay ‘pag kayo po ay protektado. Ang bakuna lamang ang tanging susi o solusyon sa ngayon upang unti-unti tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” pagbibigay diin ni Go.

Nagbigay rin ang senador ng computer tablets, mga sapatos at bisikleta sa mga piling indibidwal na magagamit nila sa pagbiyahe ngayong limitado pa rin ang pampubikong transportasyon dahil sa pandemya.

Namahagi rin ang mga personnel ng DA suporta sa mga magsasaka sa ilalim ng kanilang Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) program habang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nag-assess ng potential recipients ng kani-kanilang mga programa.

Samantala, pinayuhan ni Go ang mga residente na may karamdaman na bumisita sa Don Emilio del Valle Memorial Hospital sa Ubay  o   Governor Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City kung saan matatagpuan ang Malasakit Centers na magbibigay sa kanilang ng madaling access para ma-avail ang medical assistance program ng pamahalaan.

“Mayroon na ho tayong 149 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong po sa inyo. Ang Malasakit Center po ay batas na, isinulong ko po noon bilang inyong Senador, pinirmahan ni Pangulong (Rodrigo) Duterte,” aniya.

Pinasalamatan din ng mambabatas ang mga lokal na opisyal sa kanilang patuloy na serbisyo sa gitna ng mga hamon dulot ng pandemya.

“Kaunting tiis lang po, ingat tayo parati, at magdasal tayo parati. At tandaan niyo po, minsan lang po tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan o tulong na puwede nating gawin sa ating kapwa Pilipino ay gawin na po natin ngayon dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito,” sabi ni Go.

“Kami po ni Pangulong Duterte ay patuloy na magseserbisyo po sa inyong lahat. Dahil para sa amin po ang serbisyo sa tao, serbisyo po ‘yan sa Diyos,” pagtitiyak pa niya.

Facebook Comments