Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng Danggayan Dagiti Mannalon sa harap mismo ng Department of Social and Welfare Development (DWSD) ng lalawigan ng Cagayan upang kalampagin ang ahensya ng gobyerno hinggil sa mga isyu na hindi inaaksyunan ng pamahalaang gobyerno gaya ng libreng lupa para sa mga magsasaka.
Batay sa ugnayan ng RMN Cauayan kay ginoong Isabelo Adviento, ang tagapagsalita ng Danggayan Dagiti Mannalon sa Cagayan Valley, aniya na dapat ipatupad ang libreng pamamahagi ng lupa para sa mga magsasaka.
Ayon pa kay ginoong Adviento, layunin ng kanilang isinusulong na mabigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga magsasaka na mabigyan na ang mga ito ng libreng lupa upang malutas na ang matagal ng problema ng mga magsasaka.
Matagal na umanong dumaing sa hanay ng gobyerno ang mga magsasaka sa naturang lalawigan subalit hanggang ngayon ay wala pa umanong ginawang aksyon ang pamahalaan sa mga hinaing na idinulog ng mga magsasaka.