Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Agriculture (DA) na turuan ang mga magsasaka sa Mindanao na makapagtanim at makapagparami ng sibuyas.
Partikular na tinukoy ng senador ang lupain sa Bukidnon na aniya’y mataba at sakto ring walang nagtatanim ng sibuyas sa nasabing rehiyon.
Punto pa ng senador na karamihan ng mga magsasaka na nasa Bukidnon na nagtatanim ng mga gulay ay galing sa Benguet.
Aniya, makakatulong sa sapat na suplay ng sibuyas kung pati ang mga magsasaka na nasa Mindanao ay mabibigyan ng pinansyal, matuturuan at makakapag-develop ng sariling pananim ng sibuyas.
Ayon naman kay Food and Agriculture Chairman Senator Cynthia Villar, sa kasalukuyan ang mga top producer ng sibuyas sa bansa ay ang Region 1 na may 54,000 metric tons, Region 3 na may 140,000 MT at Region 4-B na nakakapag-ani ng 128,000 MT ng sibuyas sa bansa.