LTO, naglabas ng show cause order laban sa driver ng truck na nakabangga sa isang motorsiklo sa Caloocan City

Naisilbi na ng Land Transportation Office-National Capital Region-West (LTO-NCR) ang show cause order laban drayber ng truck na nakabangga sa isang motorsiklo sa Caloocan City na ikinasawi ng angkas nito.

Kasabay nito, sinuspende ng 90 araw ang lisensya ng nasabing drayber.

Hindi muna pinangalanan ang drayber ng truck habang nakabinbin ang imbestigasyon sa kaso.


Magugunita na nangyari ang aksidente sa Deparo Road, malapit sa kanto ng De Gracia Street, Barangay 168, Caloocan City, noong January 17, bandang alas-7:30 ng umaga.

Nasawi sa aksidente ang 24-anyos na babaeng angkas sa motorsiklo nang mabangga ng truck na minamaneho ng sangkot na drayber.

Kasalukuyan namang nakapiit ang truck driver sa Police Sub-Station 9, Congressional Road Extension, North Caloocan para sumailalim sa imbestigasyon.

Paalala ng LTO sa mga motorista, laging mag-ingat kapag nagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Facebook Comments