Mga magsasaka sa Northern Isabela, humiling sa LGU na amgsagawa ng cloud seeding operations sa kabila ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan

Northern Isabela – Kahit nagsimula na ang panahon ng tag-ulan, problemado pa rin ang mga magsasaka sa Northern Isabela dahil sa matinding init ng panahon.

Kaya naman humiling na ang mga ito sa Local Government Units na magsagawa ng cloud seeding operations.

Ito ay para magkaroon ng artipisyal na ulan at masagip ang mga pananim nilang mais na nasa flowering stage na.


Nabatid na tuwing sumasapit ang umaga ay nalalanta ang mga dahon ng mga mais dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Kapag hindi kasi nadiligan o naulanan ang mga puno ng mais na namumulaklak ay magiging ampaw ang bunga nito.

Facebook Comments