Mga magsasaka sa Nueva Ecija, lugi sa pagbaha ng imported sibuyas

Umaaray na ang ilang magsasaka sa Rizal, Nueva Ecija dahil sa pagkalugi sa pagbagsak ng presyo ng sibuyas.

Oversupply at importasyon ng sibuyas galing sa ibang bansa ang itinuturong dahilan kung bakit hindi nabibili ang lokal na sibuyas sa naturang lugar.

Ayon sa mga magsasaka, luging-lugi na sila sa puhunan dahil sa mahal ng ginagamit nilang abono kung kaya’t iiimbak nalang nila at gagamitin ang kanilang mga aning sibuyas.


Sa kasalukuyan ay naglalaro ang farm gate price ng lokal na sibuyas sa ₱16 hanggang ₱18 kada kilo sa Nueva Ecija.

Facebook Comments