Nanguna ang lalawigan ng Pangasinan sa agricultural production sa buong bansa na may pinakamaraming inaaning pananim ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office Region I ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon sa inilabas ng PSA RSSO I sa kanilang regional virtual forum ngayong buwan nanguna umano ang lalawigan na may pinakamaraming inaaning palay at mais dahil sa mataas na yield-per-hectare ng taniman nito.
Bukod sa palay at mais na mataas ang ani ng mga magsasaka sa probinsya, nanguna pa rin ang Pangasinan sa Rehiyon I dahil mataas din ang ani sa iba pang mga major crops tulad ng mangga, kamatis, at talong.
Nanguna din sa listahan ang Ilocos Region sa buong bansa dahil sa mataas na kontribusyon nito sa national crop production ng mangga, tabako, bawang, talong, monggo, kamatis, at mani.
Ang tagumpay na ito ng Rehiyon ay dahil sa aktibong pagsuporta ng Department of Agrarian Reform sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga proyekto ipinapatupad ng ahensya.