SATELLITE REGISTRATION SA LINGAYEN ON GOING; PUBLIKO HINIKAYAT NA MAGPAREHISTRO

18

Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng Satellite registration sa bawat barangay ang COMELEC Lingayen.

Muling hinihikayat ng nasabing tanggapan ang mga residente sa bayan na magparehistro na para sa nakatakdang National at Local election sa susunod na taon.


Ang satellite voter registration ay isinasagawa ng ahensya upang ilapit sa publiko at mas maparami pa ang bilang ng mga magpaparehistro.

Samantala, kailangan lamang magpakita ng valid ID na nagpapatunay na ganap ng labing walong gulang ang isang indibidwal na magpaparehistro.

Facebook Comments