MGA MAGSASAKA SA SAN CARLOS CITY, PINULONG NG PSA; GASTOS AT KITA SA PAGSASAKA NG PALAY, SINURI

Sinuri ng Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan ang gastos at kita sa pagsasaka ng palay sa pamamagitan ng pakikipag-usap mismo sa mga palay farmer sa San Carlos City.

Ito ay matapos magsagawa ng PSA Pangasinan ng Focus Group Discussion (FGD) kasama ang mga magsasaka noong Setyembre 29, 2026, sa Barangay Balite Sur, San Carlos City.

Sa talakayan, tinipon ang impormasyon tungkol sa mga gastusin sa produksyon ng palay, kita o balik ng puhunan, at mga serbisyong pang-agrikultura na natatanggap ng mga magsasaka para sa datos na maaaring gamitin ng PSA sa agricultural statistics.

Ang resulta ng konsultasyon ay magsisilbing dagdag na impormasyon sa assessment at validation ng agricultural data, na ginagamit sa pag-unawa sa kalagayan ng sektor ng pagsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments