
Nakatanggap ng libreng pagkain ang 400 batang mag-aaral ng East Central Integrated School (ECIS) sa Dagupan CIty sa isinagawang programa para sa nutrisyon ng mga bata.
Binigyan ang mga bata ng ham, scrambled egg, kanin at fruit juice bilang bahagi ng aktibidad.
Katuwang sa programa ang LGU Dagupan, Mayombo Barangay Council, Herrero-Perez Barangay Council, City Nutrition Office, Dagupan City Police Office (DCPO), mga guro, magulang at volunteers.
Nakiisa rin ang mga kinatawan ng paaralan upang maging maayos ang pamamahagi ng pagkain sa mga batang dumalo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na makatulong sa pangangailangan sa pagkain ng mga bata at bigyang-halaga ang wastong nutrisyon sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments
