Naglaan na ang Department of Agriculture (DA) ng ₱230 million na halaga ng agricultural intervention para sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Auring.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, makakatulong ito para makabangon muli ang mga magsasaka mula sa kalamidad.
Bukod dito, sinabi naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na aabot sa 1,000 micro and small enterprises na naapektuhan ng bagyo ang makakatanggap din ng tulong.
Sa loob ng isang linggo ay inaasahang matatanggap ng mga apektadong sektor ang kanilang assistance.
Babantayan din ng DTI ang supply at presyo ng basic commodities.
Facebook Comments