Layon ng naturang aktibidad na mabigyan at turuan ang mga magsasaka sa makabagong pamamaraan sa agrikultura at kasanayan sa pagnenegosyo upang maging mas mabenta ang kanilang mga pananim at mga produkto sa merkado.
Ang mga lumahok na mga magsasaka ay miyembro ng Sto. Domingo Agriculture Cooperative (SDAC) na sumailalim sa 25 session ng Farm Business School Course.
Nagpasalamat naman sa DAR ang mga nagsipagtapos na magsasaka sa tulong at pagsasanay na ibinahagi sa kanila.
Umaasa naman si Gemma Galindez, isa sa mga magsasakang nagtapos sa programa, na maipagpatuloy pa ng DAR ang mga pagsasanay at pagbibigay kaalaman upang mapabuti at madagdagan pa ang kanilang kita.
Tiniyak naman ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Rustico R. Turingan na ipagpapatuloy pa rin ng DAR ang pagbibigay sa maliliit na magsasaka ng kanilang mga kailangan upang mapalawak pa ang kanilang mga potensyal, maturuan ng pinakamabisang estratehiya sa marketing, at upang madagdagan pa ang kanilang produksyon.