*Cauayan City, Isabela-* Umalma ang mga magsasaka sa pagbaba ng apat na piso na bili sa kada isang kilong palay kasunod ng implementasyon ng Rice Tarriffication Law.
Mula sa dating P20.00 ay ibinaba sa P16.00 ang buying price sa palay na malaking lugi sa mga magsasaka dahil sa mataas na presyo ng farm inputs.
Nanawagan naman ang mga magsasaka sa National Food Authority (NFA) na maglaan ng pondo sa pagbili ng produkto ng mga magsasaka sa mas mataas na halaga.
Bagamat mayroong mechanized assistance na nakapaloob sa umiiral na Rice Tarrification Law ay matagal pa umano bago maramdaman ang impact nito.
Ang Lalawigan ng Isabela ay tinaguriang rice granary o surplus rice producer na rehiyon sa bansa.
Facebook Comments