CAUAYAN CITY- Hinihikayat lahat ng mga magsasakang naapektuhan ng bagyo na mag-file ng kanilang indemnity claim sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa Lungsod ng Santiago.
Ang mga kwalipikadong magsasaka ay dapat nakapag-file muna ng indemnity claim bago ang anihan.
Samantala, upang makakuha ng indemnity claim dapat ang mga benepisyaryo ay nakarehistro sa RSBSA, nakapag-file ng indemnity claim para sa wet season 2024, magdala ng larawan ng pinsala, ibigay ang mga impormasyon na sumusunod katulad ng petsa ng pagtatanim, kalapit na bukirin, at variety ng pananim.
Bukod dito, kinakailangan ring personal na magtungo sa opisina ng PCIC upang mag-file.
Facebook Comments