Mga magsasakang apektado ng El Nińo, dapat bigyan ng trabaho sa ilalim ng Buildm Build, Build Program

Hiniling ni Senator Sonny Angara sa Administrasyong Duterte na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan o hanapbuhay ang mga magsasaka na lubhang apektado ng matinding tagtuyot.

Ayon kay Angara, mainam na mabigyan ng trabaho ang mga magsasaka sa mga proyektong nasa ilalim ng Build, Build, Build Programs.

Mungkahi ito ni Angara makaraang ihayag ng Department of Labor and Employment na nangangailangan ngayon ang gobyerno ng 800,000 hanggang 1 milyong construction workers para sa mga proyektong pang-imprastraktura.


Ang mga manggagawang ito ay itatalaga sa iba’t ibang lugar tulad ng Negros Oriental, Leyte, Cebu, Bohol, Misamis Occidental at sa konstruksyon ng anim na paliparan, tatlong bus rapid transits, apat na daungan at 32 tulay.

Tinukoy ni Angara na base sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ay umaabot na sa mahigit P5 bilyon ang nasalanta sa agrikultura dulot ng El Nino.

Halos 180,000 ektarya na rin ng mga lupain ang nasira at mahigit 164,000 magsasaka na ang nawalan ng ikinabubuhay.

Facebook Comments