MGA MAGSASAKANG NAGTATANIM NG SIBUYAS SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, DUMARAMI

Sa nagdaang mataas na bentahan ng sibuyas at sa isyung pag-iimport ng libong metrikong toneladang sibuyas ay mas pinapalakas ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang mataas na produksyon nito sa pamamagitan ng pagtatanim pa.
Ilang mga bayan ng Pangasinan mula sa mga malawakang taniman ng sibuyas sa bayan ng Bayambang, Bautista, Malasiqui at San Manuel ay mayroon na ring mga onion farmers sa bayan ng San Jacinto at Mangaldan.
Ayon sa Department of Agriculture Region 1, ang naaning may kabuuan na 4,040 metric tons ng sibuyas ay galing sa lalawigan ng Pangasinan.

Dahil sa unti-unting pagdami ng suplay nito ay asahan ang tuloy tuloy ding pagbaba ng presyo nito sa merkado.
Samantala, kung dati ay umabot sa 600 pesos ang kada kilo ng sibuyas, ngayon naman ay nasa 150 to 160 na ang kada kilo nito sa rehiyon. |ifmnews
Facebook Comments