FASHION DESIGNER NA MULA SA BAYAN NG ALCALA, KINILALA AT PINARANGALAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN MATAPOS NAMAYAGPAG KANYANG OBRA SA INTERNATIONAL STAGE

Kinilala at pinarangalan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan nitong Lunes ang pangasinenseng tubong bayan ng Alcala matapos mamayagpag ang obra nitong gown sa international stage sa katatapos lamang na Miss Universe 2022.
Si Rian Fernandez ang gumawa ng gown ni Miss Universe 2022 winner na si R’Bonney Gabriel na isang half-Filipina.
Ayon sa resolusyon na iniakda nina SP Members Rosary Gracia Perez-Tababa at Nicholi Jan Louie Sison ay kinikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga achievements o nagawa ng mga Pangasinense sa mga mahalagang serbisyo para sa mamamayang Pilipino at kapuri -puring kontribusyon sa bansa.

Samantala, si Rian ay nagtapos ng kanyang fashion studies sa La Salle College of the Arts sa bansang Singapore kung saan miyembro din ito ng Council of ASEAN Fashion Designers.
Si Fernandez ngayon ay patuloy na tumatanggap ng pagkilala mula sa iba’t ibang panig ng Pangasinan at sa buong Pilipinas dahil sa angking galing nito sa fashion designing. |ifmnews
Facebook Comments