MGA MAGTATAHO, BINIGYAN NG ORYENTASYON PARA SA NEW NORMAL!

Baguio, Philippines – Nagsagawa ng oryentasyon kahapon, Hulyo 21, 2020, ang City Health Services Office para sa mga Taho Vendors at mga manufacturers ng mga ito, kung saan pinaalalahanan sila sa magiging takbo ng kanilang negosyo at wastong pagsunod sa mga health protocols sa darating na mga panahon.

Pinaalalahanan din ang mga ito na kumuha ng kanilang mga health certificate bago magsimula ulit sa pagbebenta ng taho at sinabihan din sila ng Smoke-Free Baguio Office patungkol sa Smoke-Free Baguio Ordinance sa kadahilanang, nakakatanggap at nahuhuli ang ilan sa mga taho vendors na lumalabag sa naturang ordinansa.

Sa huli ay nagsagawa ang ahensya ng swab test para sa lahat ng dumalo sa oryentasyon at ang resulta ng swab test ay malalaman sa Hulyo 24.


Facebook Comments