Pagsasampa ng kasong kriminal ng NBI sa siyam na pulis na nakapatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, walang problema sa PNP

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang kanilang hangaring mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ng apat na sundalo na napatay ng siyam na pulis Jolo, Sulu noong June 29, 2020.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, walang problema sa PNP kung sampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na pulis na nakapatay sa apat na sundalo.

Sa ballistic report, tumutugma ang mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene sa mga baril ng siyam na pulis.


Pero ayon kay Banac na batay sa Criminal Justice System, binibigyan ng pagkakataon ang mga respondent o mga nasasakdal na sagutin ang mga kasong isinampa sa kanila at dumaan sa due process.

Facebook Comments